Nanaman??!!
Isa nanamang masaklap na linggo ang sumalubong saken..Pang ilan na ba 'to? Kelan ba titigil? Kelan ko ba mararanasan yung buhay na wala akong iniisip na dapat asikasuhin, kausapin at lahat-lahat? Nababaon na ko..sa totoo lang..
Andaming problema ng buhay..ngayon ko lang siguro na-realize..bagal ng utak ko men!! dati kasi, ok ok naman..la masyado asikaso..upo lang sa bahay..kinig ng music..kain..tulog..ligo..routine ko sa halos araw-araw..DATI..e ngayon..asa ka pa boy..la na nga yung bumness..la na din yung pahinga ko..puro naman asikaso ng kung anu-ano..
Loaded sa mga bagay na dapat pag-isipan ng mabuti..na dapat baguhin..na dapat ma-desisyunan..Loaded din sa mga tao na dapat kausapin para malaman kung ano ang nararapat na gawin..para naman gumaan ang dinadala ko na bigat..Mahirap pala ang mabuhay ng katulad nila.. Kaso andun na ko e..yun yung pinili ko..Hindi ko na pwedeng atrasan..Kelangan ko nalang talagang harapin kasi kung hindi, ako ang babagsak Big Time..for sure..Ngayon alam ko na basically kung ano ang takbo ng buhay nila..Hindi pala madali..Hindi pala puro sarap..Mas marami pala ang hirap..
Pero bakit ganun? Sila kaya nilang dalhin yung problema..Kahit anong laki, carry pa rin nila..Samantalang ako..Kaya naman..pero mukhang tutumba na..I need help LORD!!
Siguro nga kaya ako nailagay dito kasi alam Niya na kakayanin ko..kulang lang sa confidence..Yun siguro yung kailangan ko talaga..Pero kung titingnan mo din..Hindi simple ang buhay..
Ang hirap manghula ng dapat na ikilos mo..Kasi pag nagkamali ka..sunud-sunod na..Mahirap na ibalik sa dati..Buti nalang hindi ako nag-iisa..May mga tao din pala na katulad ko..Iba't ibang sitwasyon..Pero kapareho ng kinalalagyan..At least may nakakaintindi sa sitwasyon ko..At naiintindihan ko din naman sila..
Malalagpasan ko din 'to..Marami mang kelangang i-sacrifice..Yun nga lang..talagang masakit..Sana lang maging mas maganda yung kapalit..
Kay Lord nalang talaga ako naka-asa..Kung wala Siya..talo na talaga ako..Siya nalang talaga ang masasandalan ko..wala na ko ibang kukuhanan ng lakas kundi sa Kanya pati sa Word Niya..Sana lang nasa tama ang spirit ko..That's why i pray..Na maayos ang lahat..Pati sarili ko..
Pray for me..Hehe..God Bless You Reader..
Another Step of Faith
It's been a very unusual week for me..Andaming nangyari..pero kahit ganun..naramdaman ko parin ung boredom ng summer..Hehe..Ngayon lang yun ata nangyari sa buong buhay ko..Yun bang nakaupo ka lang..Tapos sira ang TV..walang pera kasi wala namang klase..la pang SM..hehe..gusto ko man kumain..walang laman ang ref kundi tubig, yelo, gamot, at mga kung anu-ano na di pwede kainin ng basta-basta..
Pero there's one thing na i'm very thankful of..I am giving all the glory to God for what I have received this past week..Please note that this is a testimony of the Lord's goodness and not my way of boasting..
Monday..just a typical summer day..gising ako ng late..9 am (late na ba yun?)..the usual things you do pagkagising..basa ng Bible..pray..hilamos..mumog..kain..etc..punta sa church..baka may ipapagawa..uwi..listen to music..ligo..pahinga..tapos bandang 6pm..bilis ng araw e no..or was it 5:30..basta around those times..nasa church ulit ako..planning to play a few rounds ng table tennis..
I was aware na may Youth Leader's meeting..kaya medyo abang na ko na kumuha ng tubig nila kapag lumabas si kuya Mao..hehe..tapos dumating ang mga Welfareville boys..unusual un pero sige..at least may mga dagdag na makakausap..
And here comes kuya Mao..ops..teka lang..tubig na yan..pero nagulat ako nung sinabi na josh tawag ka nila dun..or something like that na pupunta ako sa conference room..dun kasi sila nagmi-meeting e..aba..kelangan pang aprubahan ng lahat ng leaders na pakukuhanin ako ng tubig..sige..pasok naman ako..aba..may welcome pa ang water boy..at pinaupo pa..ayos a..tapos biglang serious..tinanong ako nila kuya mike kung tinatanggap ko ba ung position for servant-leader-in-training..basta parang ganun..so ako..oo naman..pero not because nasa isip ko na AYAN GINAGAWA KA NANG SERVANT-LEADER!!!!..but because naisip ko na eto na yung opportunity ko para mag-grow pa..spiritually..sabi nga ni kuya Arjun na hindi nila ako kinukuha because of the need..ayaw daw niya yun na kumukuha lang ng leaders dahil sa kailangan..dahil sa lumalaki na yung kailangang i-handle na youth sa church..pero dahil nakita nila yung faithfulness sa akin..i thank the Lord for giving me that faithfulness..
taking up responsibility is not an easy task..mas maraming kelangang gawin..mas maraming pag-iisipan..mas mahabang patience(which by the way di ko pa nadedevelop)..kahit na alam mo kung sino yung dapat mo i-deal..but i know with God's help, makakatulong din ako sa mga Leaders at sa iba pa na youth sa church..
Hindi ako ilalagay siguro ni Lord dito kung hindi ko kaya yung "workload"..Hindi rin siguro ako kukuhanin as servant-leader kung hindi nila nakita sakin yung dapat na meron ang isang leader..So i pray na maging blessing ako sa lahat ng mga makakasama ko at maging tulong yung mga gagawin ko..Kahit na this past week maraming trials ang ibinagsak ko, alam ko dun ako gusto ni Lord na mag-improve at dun Niya ako imo-mold into a better vessel..
Again..I thank the Lord and bless His name for everything He has given..May this testimony be a blessing to you to reader..
O nga pala, leadership does not necessarily mean that you're the one to be followed..It's you who must be the servant to those whom you lead..Thank you po sa nag-correct sakin about that..i nearly overlooked..God Bless You po.. :D
The Tongue Strikes Again..and Again..
Isn't it annoying na minsan kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig mo?! Nakaka-asar yung ganun na 'di ko maiwasang magsalita na hindi napapagalitan at nasisita dahil sa kalokohan na lumalabas sa bibig ko..
Sometimes i just wanna shut up..Kahit isang araw lang..tahimik ako..para naman matigil yung kalokohan ko..even for just a day..
Sadly, hindi pa nangyayari yun..ever..everytime I say to myself, "mananahimik na ko.." biglang may darating na situation wherein i can't stop myself from saying something..Parang gusto ko na lagi akong may "say" sa mga bagay-bagay..
It's such a difficult task for a person like me to keep quiet..I love silence but I can't help it kung lagi akong sumasabat sa kung kani-kaninong usapan..Kaya naturingan akong dakilang EPAL kasi i always want to say something..Kahit wala sa oras..wala sa lugar..
Ang nakakaasar pa lalo dun kapag ung mga banat ko e mga jokes..Minsan 'di ko napapansin sumasagot na pala ako sa mga tao na mas matanda sa 'kin..Uh oh..Isa nanamang mahaba-habang sermon galing sa mga taong kataas-taasan..Ouch nanaman..Isa nanamang negative sa aking character..And then bubulong-bulong ako matapos ma-sermonan..aik..Plus one sa aking mga bad deeds..Ganun katindi ang dila ko..Now you know a big part of me is bad..Seriously..
Kaya these past few days, andami kong nakuha na mga glances na talagang nakakabaon at mga sita na nakakahiya..
It's a most difficult task to change things na nakasanayan mo nang gawin..
to change your attitude..
your character..
your habits..
Changing such things is not easy..mahirap ipagpilitan yung mga bagay na un..Of course, mababago, pero it takes time..and i mean a lot of it..kung di mo pagtutuunan ng pansin, walang mangyayari sayo..that's what's been happening saken..Falling and failing due to my ignorance and pride..due to my stubbornness..due to my lack of focus on things that are most important..
Because of these things, di ko mabago ung style ko when it comes to talking..
It would ONLY be by the Lord's grace na mabago ko ang sarili ko..I know i'm gonna need a lot of help..a lot of prayers..and a lot of solitude..including a lot of self-control..
Hanggang dito muna..baka kung ano pa ma-type ko e..hehe..God Bless You Reader..
To Start With..
Whoa..Hold on..what's this I'm doin'? Oh right..Blog ko nga pala. Experiments..haha..
Teka! pano nga ba ko napasubo sa ganitong bagay? Most people I know na may blog, mga gals..
Di naman siguro masama na ako meron..It's just that I've been planning to make one..I just didn't know when..How..Why..
Now I know the answers..It's simply because I want to share my life with other people..Good or bad, it all has to come out someday..Somehow..maybe this is how..the time..now..It's time I start livin'..What do I care kung may mga mag react..It's part of life..Part of mine, at least..
Keepin' this blog may not be that easy for someone as busy as me, pero what the heck..If I gotta sacrifice my time just to share God's goodness, then why not?
I hope my efforts will be a blessing to those who read this..God Bless You reader..