Monday, June 26, 2006

Yehey!! Another answered prayer para sakin!! Thank You Lord..
2nd year na ako..tapos di pa ko nakakakuha ng NSTP..so that means dapat kunin ko na..buti nalang dami ako mga kasama..hehe..kaso ang problema..Most skeds ng NSTP-CWTS Sundays..tapos umaga..kaya inde ako makaka-punta ng church..FOR A WHOLE YEAR HALOS!! ayoko naman yata nun..


I've been praying for it..ngayon nakuha ko rin..For this 1st semester, online lang ang CWTS..so that means makaka-attend ako ng church..makakapag-serve ako sa church..ok lang kahit kailangang mag-online ng halos araw-araw (ganun kasi yung patakaran e..kahit weekdays meron ka ginagawa)..basta nakakapag-serve ako kay Lord..and that's a lot more important..


Sa 2nd sem..di ko lang alam..pero sa tingin ko pang-hapon naman yung sa amin..kaya..hapi hapi parin..


That's why i really believe that if we continue to ask the Lord, He'll be more than happy to give it to us kung kinakailangan..


""Keep on asking, and you will be given what you ask for. Keep on looking, and you will find. Keep on knocking, and the door will be opened. For everyone who asks, receives. Everyone who seeks, finds. And the door is opened to everyone who knocks." Matthew 7:7-8


Ito talaga ang nangungusap sakin ngayon..and i'm thankful for that too..


Salamat po sa mga nanalangin para sa akin..May the Good Lord bless You more than what you expect..


God Bless You Reader..

Tuesday, June 13, 2006

Just Before Classes Start..

haay..ayan nanaman..balik nanaman sa skul..isa nanamang taon ng "torture"..hehe..pero so far i've enjoyed my summer vacation..andaming nangyari..halos araw-araw busy ako dahil sa kung anu-anong mga agenda na biglang nasisingit nalang..

Kahit medyo exhausting, ok lang..at least alam ko na marami akong na-accomplish sa bakasyon..Nakasama ako sa summer camp..sa mission trip..sa YouthRevive Special..kakatapos lang ng aming 27th Church anniversary (masaya din kahit papaano..hehe..)..at recently..

Pumunta kami sa Mall of Asia!! hehe..pero bago yun..pinagod muna kami sa bahay..kasi biglang naglipat ng kung anu-anong gamit si mami..nagbaba ng computer table, naglinis ng bodega, naglabas-masok ng filing cabinet na pagkabigat-bigat..kahit kaka-kain palang..parang ubos agad yung lakas ko..pero nung sinabi na magbihis na para makaalis..kala mo nakainom kami ng 3 baso ng innergize..mabilis pa sa alas siete..hehe..Kasama namin sila kuya arjun at ate licette..hehe..kaya may driver kami..chaka isa pa na mag-aalaga sa dalawang bata na kasama namin..hehe..ginawang yaya e no?!.. Derecho kami sa Mall of Asia..grabe andaming tao!! at hindi lang tao..pati mga parking lots naguumapaw sa dami ng mga sasakyan dun..pero kahit na maraming tao, maluwag parin..sa entrance lang medyo matatagalan kasi andaming tao na pumapasok..

Wala naman kami masyado ginawa dun kundi bumili ng pagkain..hehe..tulad nga ng sabi ng iba, hindi pa maganda yung Mall kasi dami pa na mga shops na di pa nagbubukas..Pero ok lng..lakad parin..tapos may mga clown pa..hehe..mga mukhang ewan na kinatatakutan ng mga bata..pero in fairness ang galing..

Nang tamarin na kami, "dumaan" kami dun sa bahay nung klasmeyt nila dad dati..ang yaman nila grabe un..may apat ata na kotse, sariling billiard table, naka-aircon yung loob ng bahay, flatscreen tv..hehe..tapos dami pagkain..hehe..dito kami talaga umupo para kumain..birthday pala kasi nung bunso nila na anak..kaya ayun..inimbitahan naman kami e kaya sige..sabak sa pagkain..tapos onting laro ng billiards..tapos..mga 8 or 9pm, uwi na..

Pero ang last stop namin bago kami magsi-uwi..Starbucks..hehe..ang saya namin dun sa loob..medyo nagtagal pa nga kami dahil sa kwentuhan chaka picturan namin dun..lakas trip lang talaga..hehe..habang hawak ang aming mga inumin..isang snapshot muna..hehe..nang magka-ayaan na umuwi..edi sige..

In short, na-enjoy ko yung bakasyon..hindi lang dahil marami akong mga naging "adventure," nakita ko rin na nagwo-work ang Lord sa buhay ko..mapabakasyon man o pasukan..In different situations, gumagawa Siya ng paraan para mapalakas ang spirit ko..Kaya sa tingin ko naman e nag-grow din ako spiritually..Andami ko rin kasi nakita na mga trials na ibinagsak ko..pero meron din naman na mukhang naipasa ko..kaya i'm very thankful kasi alam ko na the Lord is still at work in my life..


Sa tingin ko, yung mga pinagdaanan ko ngayong bakasyon, magagamit ko na foundation sa darating na pasukan..I pray na malagpasan ko lahat ng mga pagsubok na haharapin ko ngayong 2nd year..It may be hard, but i know with God, anything and everything is possible..

Sana ay ma-enjoy ko ang taon na ito..with the Lord's help, i'll be a good example sa mga classmates ko, and hopefully, madala ko ang ilan sa kanila sa Panginoon..

Please pray for me..God Bless You Reader..